Kakatapos lamang ng Marso, malamang kakatapos lamang ng graduation namin sa High School. Ginanap ito sa loob ng isang simbahan. Catholic school. May misa pa nga eh. Syempre iyakan lahat, pero hindi ako umiyak. Kahit tumugtog pa yung ‘Batch Song’ namin. Sino ba kasing pumili nun? Pagkatapos ng seremonyang ito, kumain kami ng pamilya ko sa McDo tapos umuwi na kami sa bahay. Nagbihis ako ng pambahay. Napansin ko na maganda pala ang tanaw ng kalangitan mula sa likod ng bahay namin.
Dumaan na ang ika-31 ng Marso. Kakaiba pala kapag wala ka nang pasok araw-araw. Hindi na rin kami masyadong nagkikita ng mga kaklase ko. Sa pagkakaalam ko, para kaming mga dahon na ikinalat sa kalakhan ng Maynila, sa Davao pa nga yung dalawa. Sina Janell at ang tropa nyang maingay sa Uste. Sina Ian at iba pa sa La Salle Dasma. Ang barkada kong sina Tetey at Angel, nasa Mapua. Sino nga naman ba kasing nagsabi na mag-UP ako? Wala na akong masyadong ginagawa kundi pagmasdan ang langit mula sa bakuran sa likod kung hindi ako inuutusan ng nanay ko.
Dumaan na rin ang unang dalawampu at limang araw ng Abril. Boring sa bahay, wala akong magawa. Wala kaming cable TV at ang pinakamatinong panoorin ay MTV. Wala kaming internet. Kung meron man, pagtyatyagaan ko munang paganahin yung Pentium II naming pinagtagpi-tagpi at labinlimang minuto bago magbukas sa Windows 98 Plus! Edition. Buhay nga naman. Kaya sige, tumitig ka na lang sa asul na langit. Hindi ba mukhang spaceship ang ulap na iyon?
Mayo na. Naisip ko, ako lang mag-isa sa Peyups. Ang hirap. Paano mo ba kasi sasabihin na 'hindi-ko-alam-ang-gagawin-ko', 'ako-lang-mag-isa-sa-lugar-na-hindi-ko-gamay' atsaka 'wala-akong-kakilala-at-wala-kayo-dun-para-mas-madali’ sa mga kaibigan mo? Paano mo sasabihin sa mga magulang mo na ‘inay-itay-sana-nandun-kayo-malapit-sa-kin' o kaya 'mukhang-ang-hirap-kung-ako-lang-aasikaso-sa-sarili-ko’? Tinititigan ko ang asul na langit hanggang sa maging itim ito at lumabas ang mga bituin. Nakilala ko ang konstelasyong Orion. Close na kami.
Hunyo na. Bukas ang unang araw ng klase ko. Iniwan na ako dito ng mga magulang ko, sa isang boarding house dalawang sakay papuntang campus. Wala pa yung mga magiging kasama ko sa bahay. Ang unang gabi ko, kausap ko ang ugong ng mga sasakyan na dumaraan sa kalye malapit sa min. Kausap ko ang kisame na hindi ko maintindihan kung puti na madumi o itim na may alikabok. Bago mag-hatinggabi, naramdaman ko bigla ang matinding takot at matinding saya. Walang gaanong bituin ang langit dito, masyadong maliwanag ang ilaw ng mga poste.
Pasukan na pala.
-----
(The short story/article I wrote for the FOPC thingy last summer. In short, it's something about me. I named real people here...they were my highschool classmates.)

No comments:
Post a Comment